Paratang na Droga laban sa Mayor ng Datu Piang: FAKE NEWS! 

By JOHN EBUS

The accusations of a block-time programmer aired over a radio station in Tacurong City, Maguindanao Province against the municipal mayor of Datu Piang in the same province are sheer politically motivated propaganda if not a demolition campaign, according to the mayor.

MAGUINDANAO – Kaliwa’t kanang pambabatikos at paratang laban sa pamilya ni Mayor Victor Samama ng Datu Piang, Maguindanao.

Umere ang pambabatikos sa isang black timer program na tele-radyo na punto por punto na naka station sa Tacurong City. Agad isinawalat ng black timer anchor ang mga banat nito sa kanyang programa ang tungkol kay Datu Piang Mayor Victor Samama. 

Ilang minutong mga malulutong na salita, pag mumura, pag hahamon at pambababoy na halos niyurakan ang buong pagkatao ni Mayor Samama.

Hindi rin pinalagpas ang dating chief of police na si PLtCol Bangon Mamako ng Datu Piang at isinama na rin si PCol Jibin Bongcayao ang Police Provincial Director ng Maguindanao.

Nag palabas pa ito ng ebidensya na isang video sa gitnang bahagi ng kanyang programa na ang nilalaman ay anak daw ni Mayor Samama na gumagamit ng shabu sa mismong bahay umano ng Mayor.

Pinag sisigawan rin nito sa ere na, nag bebenta umano ng illegal na droga sa Datu Piang si Mayor Samama.

Lahat ng paratang na ibinato ng black timer anchor ay “FAKE NEWS” ayon kay Mayor Samama, hindi niya anak ang nasa video, gaya ng sinasambit ng anchor sa kanyang programa.

Subalit sa kabila ng lahat, nanatiling mahinahon at kalmante parin ito, dahil alam ng kanyang pamilya at taong bayan na lubos naka kilala sa pagkatao ni Mayor Samama bilang alkalde at ama ng Datu Piang.

Kuwento nito, ang Datu Piang ay dating Dulawan at sentro ng pangangalakal nuong dekada ng Cotabato empire, kung saan ipinanganak ito taong 1956, lumaki, naka pag-aral, nakapag tapos, nakapag trabaho sa munisipyo at dito narin nagkaroon ng pamilya.

Kung pag uusapan ang kanyang pagka tao, walang hindi naka kilala sa kanyang angkan at kanyang pamilya sa maliit na bayan na kanyang pinag mulan. Dating Mayor din ng Datu Piang ang ama nito na si Mentang Samama.

Ang kanyang may bahay na si Dra. Elizabeth Abpi Samama ay kasalukuyang Director ng IPHO, Maguindanao. Tatlo naman ang anak nilang mag asawa, ang dalawang babae ay naka pag tapos ng medesina na parehong doktora at ang anak naman nitong lalaki ay naka pag tapos naman ng abogasya na isa na ngayong lawyer.

Isang residente ng Datu Piang ang aking naka usap na ayaw mag pakilala para sa kanyang siguridad, ayon sa kanya, malaking pasasamat niya dahil malaking tulong sa bayan ng Datu Piang ang pagkaroon ng isang private hospital na pag aari naman ng mag asawang Samama

Aniya, ang dalawa nitong anak ay ipinanganak mismo sa hospital na iyon, kaya laki ng pasasalamat ng mga residente dahil merong hospital mismo sa bayan ng Datu Piang at may ilan ring residente na naging pasyente ng hospital ang mismo na nagpapatunay mapa emergency man at kapos sa pambayad, tuloy parin silang tinulungan ni Doktura Samama,

Hindi lubos maunawaan ni Mayor Samama kung bakit ganon nalang ang galit ng taong nasa likod ng pag alispusta, pag yurak sa pagkatao nito gamit ang social media.

Aniya political ang dahilan nito, para sa kanya marahil ito ay political demolition laban sa kanya, subalit lalong nagiging matatag si Mayor Samama sa pambabatikos laban sa kanya dahil ito ang nag bigay ng bagong panimula at inspirasyon, lalo itong naging matatag at pasensyoso sa sarili upang ituloy ang tunay na serbisyo, hindi baril, hindi patayan kundi pagkaka isa at reporma para sa mapayapang mamamayan ng Bangsamoro para sa bagong Datu Piang, probinsiya ng Maguindanao. John Ebus

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s